MAGUINDANANO – DEAD on the spot ang isang 26-anyos na magsasaka nang bigla itong mangisay nang makoryente habang nag-sasampay sa lalawigang ito.
Sa report ng Maguindanao-PNP, nasawi sanhi ng electrocution ang biktimang si Mohammad Kasan, 26-anyos, may asawa at residente ng Barangay Layog ng nasabing lalawigan.
Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na habang gumagawa ng sampayang alambre ang biktima sa tabi ng kanilang tahanan ay bigla itong nangisay nang gapangan ng koryente ang kanyang sampayan.
Posible umanong nahawakan ni Kasan ang live wire ng koryente habang nagsasampay o gumapang ang koryente nang mabasa ito ng tubig mula sa mga sinampay na damit. VERLIN RUIZ
Comments are closed.