MAGSAWA KA SA BANGUS SA BANGUS FESTIVAL SA DAGUPAN

Ano, mahilig ka sa bangus? Magsawa ka sa kakakain ng bangus sa Bangus Festival.

Ipinagdiriwang ito sa Dagupan City sa Pangasinan, at tinawag na Bangus Festival upang magpasalamat sa magandang ani ng bangus sa nasabing siyudad.

Isinasagawa ito mula sa huling linggo ng Marso hanggang unang linggo ng Abril – na nakadepende sa selebrasyon ng Mahal na Araw. Kasama sa sampung araw na pagdiriwang ang sports competitions, fairs, at street parties.

Dahil Dagupan ang Bangus Capital of the Philippines, kasama sa pagdiriwang ang sikat na bangusine (bangus cuisine) bilang main highlight ng event. Natural lang na mayroon ding street dancing kung saan nakasoot ang mga dancers ng makukulay na Bangus Festival costume. Meron ding maramihang pag-iihaw ng bangus, pagali­ngan at pabilisan sa  pag-aalis ng tinik ng bangus o deboning, variety shows, trade fairs, beauty pa­geants, sports fest, cooking show, medical mission, visual arts, band concerts, sports activities, dog show, fluvial parade, drum and lyre parade, at street party.

Hindi ito maisasagawa sa ngayon na tulad ng dati dahil sa pandemya, ngunit sa mga nakaraang pagdiriwang, narito ang mga dapat makita:

Kalutan ed Dagupan – Ito ang tampok sa pagdiriwang. Ito ang event kung saan mag-iihaw ng libo-libog bangus sa kahabaan ng kalye street.

101 Ways to Cook Bangus – Isa itong cooking contest kung saan magpapaligsahan ang pinakamahuhusay sa cook o chef sa bansa upang iluto ang bangus sa pinakakakaiba at masarap na paraan.

Gilon! Gilon! ed Dalan – Tulad ng iba pang festivals, hindi ito kumpleto kung walang street dancing. Ang mga participants ay nagsosoot ng makukulay na Bangus Festival costumes at sumasayaw sa saliw ng mga tambol habang may dalang mga bangus props.

Bangus Rodeo – Dito, ipinapakita ng mga bangus growers showcase ang kanilang  best pro­ducts at ang kanilang food-processing skills. JAYZL VILLAFANIA NEBRE