MAGSAYA SUBALIT ALALAHANIN DIN ANG KALUSUGAN

KABI-KABILA ang masasarap na pagkain ngayong holiday season.

Mahirap pigilan ang kaway ng masasayang handaan dahil minsan lang naman sa isang taon nagaganap ang ganitong okasyon.

Pero teka muna, bago tayo makalimot, tingnan din natin ang kakayahan ng ating katawan.

Hindi naman bawal ang kumain ng masarap pero gaya ng alak, in moderation.

Alalahanin na ang mga sakit ay nakukuha sa mga pagkain natin o kung ano ang ipinapasok natin sa ating katawan.

Kaya hinay-hinay lang.

Bagaman common knowledge na ang pagkain ng matataba at mamantika ay sanhi ng heart disease at stroke, uulitin pa rin namin ang pagpapaalala.

Ang pagkain ng maaalat ay masama rin sa kalusugan, gayundin ang matatamis.

Ang karaniwang sakit na nakukuha sa sobrang sarap na pagkain ay heart disases, diabetis, mataas na uric acid at pagkakaroon ng gout habang instant killer naman ang stroke.

Kaya ngayong holiday season, makabubuting tikman nang kaunti ang masasarap na pagkain at mas damihan ang prutas at gulay na hindi niluto sa mantika.

Sana hindi maging mitsa ang holiday season ng ating pagkakasakit.

Eat moderately!