(Magsisilbi sa halalan sa 2022) BAYAD SA MGA GURO HINILING NA TAASAN PA

NANAWAGAN ang mga miyembro ng  Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list sa Commission on Elections (Comelec)  para sa mas mataas na bayad sa mga guro na magseserbisyo  sa halalan sa May 2022 elections.

“Nu’ng mga nagkasakit ang mga kapwa ko guro, namatay, nagka-COVID, na-hospitalize, hindi P500 ang binabayad namin sa ospital. Nasaan ang puso ng ating gob­yerno, ng ating Comelec?” ang may hinanakit na pahayag ni ACT member Kristhean Navales.

Pumayag ang Comelec na taasan ng  P2,000  ang honoraria at ibang  allowances  ng poll wor­kers, lalo’t inaasahan na ang mahabang oras ng botohan dahil sa pan­demya.

Ang  inaprubahang honoraria ng Comelec para  sa Chairperson ng  Election Board ay  P7,000, sa  EB – P6,000, DESO ay P5,000, Support staff ay P3,000 at Medical personnel ay P3,000.

Ang hinihingi naman ng  ACT ay itaas ito ng  P3,000.

Ayon sa ACT, hindi lamang sa araw ng eleksiyon nagsisilbi ang mga guro kundi pagkatapos din ng halalan at nalalagay sa peligro ang buhay ng mga ito. RIZA ZUNIGA