ISINAMA ni Senadora Cynthia Villar sa kanyang relief efforts para matulungan ang mga komunidad na nasa enhanced community quarantine ang pamimigay ng mga binhi ng gulay upang hikayatin ang publiko ng pagtatanim.
Sinimulan na ni Villar, chair ng Committee on Agriculture and Food, ang pamimigay ng ‘packed seeds’ ng kamatis talong, kalabasa, ampalaya, sweet pepper, hot pepper, mais, sitaw at munggo sa 61 barangays sa Las Pinas, Cavite at Bulacan.
“I’ve always advocated for home gardening as a strategy for food security and for the alleviation of nutrient deficiency. It will be a big help for families to have direct access to nutritious foods that they don’t have to buy,” ayon kay Villar.
Ayon sa senadora, maaaring mag-home gardening kahit sa kapirasong lupa, bakanteng lote o anumang lalagyan kaya mahihikayat nito ang mga pamilyang nakatira sa urban areas.
Sinabi pa niya na binibigyan diin ang kahalagahan ng home garden kapag may bagyo, pagputok ng bulkan, frost at ngayon, ang COVID-19 pandemic, kung kailan nagkakaroon tayo ng problema sa suplay ng prutas at gulay.
Makikita rin sa pakete kung papaano ang pagtatanim at pangangalaga sa mga halaman.
“We should take advantage of the quarantine, when we are all mandated to stay home and take care of ourselves, to stay productive by starting to plant seeds, grow food and harvest later on,” ayon pa kay Villar.
Nauna rito, hinimok niya ang paggamit ng e-learning sites at online tutorials upang matutunan ang pagpapatubo ng mga halaman. Aniya, maaaring gawin ng pamilya ang pagtatanim habang nasa quarantine. VICKY CERVALES