MAGTATRABAHO SA UAE PINAALALAHANAN

UAE

MAYNILA – PINAG-UTOS ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), at sa iba pang mga ports of entry na higpitan ang screening sa mga Filipino na lalabas bunsod ng ginagamit ng human trafficking syndicate ang Arab Emirates bilang transit point sa kanilang mga biktima sa human smuggling.

Upang maging epektibo ang naturang kautusan nag-isyu ng order si Commissioner Jaime Morente, matapos ipagbigay-alam ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang modus ng sindikato sa style ng recruitment sa pamamagitan ng social media, sa kabila ng ipinagbabawal ang deployment ng OFW sa Iraq.

Ayon sa reports na nakarating sa BI, ina-advertise ng sindikato sa pamamagitan ng online ang mga job vacancies sa bansang Iraq, at linilinlang ang mga OFW na inalis na raw o lifted ang deployment ban sa nasabing bansa.

Kasabay na ipinag-utos ni Morente sa kanyang mga tauhan sa airport na i-monitor  ang mga pangalan ng ilang OFWs na illegally recruited bilang mga restaurant waiter sa Baghdad, ayon sa isang impormasyon galing sa DFA. FROI MORALLOS

Comments are closed.