HINIMOK ng isang mambabatas sa Bicol Region, na bahagi ng tinatawag na ‘typhoon belt’, ang gobyerno na magtayo ng mga bahay na hindi kayang wasakin ng bagyo para sa mga Filipino na nakatira sa mga lugar na binabaha.
Sinabi ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co na dahil binibisita ang Filipinas ng may 20 bagyo sa kada taon, kailangang ikonsidera ng gobyerno ang pagtatayo ng matitibay na bahay para sa mga Filipino.
“Instead of using public schools as evacuation centers, moving people out of harm’s way during every storm, and eventually spending public funds to help repair damaged homes, we should consider more permanent solutions,” ayon pa rito.
Panukala ni Rep. Co na gumawa ang gobyerno ng five-year Core Shelter Assistance (CSA) program na technically, ay isang Disaster Resilience Program. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga bahay o silungan na gawa sa kongkreto at hollow blocks.
“The structure must be designed to withstand even 380 kilometer-per-hour winds. Per my estimate, each house will cost around P120,000.00 to P150,000.00 which the national government shall provide. The land will be identified and donated by the respective local government units because they know the terrain where these shelters can be safely built,” paliwanag pa ng kongresista.
Makikinabang dito ang 4P beneficiaries na nakatira malapit sa eastern seaboard at sa mga dalampasigan. “Government, through DSWD [Department of Social Welfare and Development], has the official list and addresses of these 4P beneficiaries living in high risk areas. Thus, identifying those we should prioritize is not a big problem,” dagdag nito.
“The CSA program ensures that beneficiaries’ homes shall not be destroyed by strong typhoons. At the same time, it will prevent frequent government expenses to restore or repair destroyed houses of the poorest of the poor located in the typhoon belt,” pagbibigay diin pa ng solon.
Gumagastos aniya ang gobyerno ng bilyong piso sa paglilikas, pagpapakain, at pagkakaloob ng pansamantalang matutuluyan at pag-repair sa nasirang bahay ng mahihirap. “It’s a never ending cycle. Government spends to provide aid, only for these evacuees to return to their high-risk abode. It’s time we change that.”
Sa kasalukuyan ay gumagastos ang DSWD ng halos P5,000 na tulong sa bawat biktima ng bagyo na nangawasak ang mga tahanan habang P3,000 naman sa bahagyang nasira ang bahay.
Kailangan din aniya na maghanap ang gobyerno ng ligtas na parking areas para sa mga bangkang pangisda ng mga residenteng ang hanapbuhay ay ang pangingisda.
“Livelihood and lack of alternatives are the most common reason why people don’t want or choose not to relocate. We hope to change that through my proposal. Let’s give them safe and decent shelter while providing a secure area where they can leave their boats during typhoons,” dagdag pa ng kongresista.
Comments are closed.