DAHIL sa patuloy na pagbaba ng water level sa mga dam sa bansa ay hiniling ng pamunuan ng National Water Resources Board (NWRB) sa mga taga-Metro Manila na magtipid sa paggamit ng tubig.
Sa latest update ng PAGASA Dam Monitoring Division, ang Angat dam na pinagkukunan ng 90 porsiyento ng supply ng tubig ng Metro Manila ay nakapagtala ng 185.41 meters ng water level na mas mababa kaysa sa 185.64 meters kahapon.
Nakapagtala naman ang Ipo dam ng 100.31 meters ng water level mula sa dating 100.34 meters, La Mesa dam- 77.39 meters mula sa dating 77.42 meters, Ambuklao dam- 748.76 meters mula sa dating 748.99 meters.
Ang Binga dam ay nakapagtala ng 572.88 meters ng water level kamakalawa ng umaga mula sa 573.61 me-ters at Caliraya dam- 286.44 meters mula sa dating 286.54 meters kamakalawa.
Sa pahayag ni Dr. Sevillo David Jr., Executive Director ng NWRB, dapat ugaliin ng bawat mamamayan ang pagtitipid sa supply ng tubig upang patuloy na makapaghatid ng sapat sa mga residente.
Kasalukuyang nagpapatupad ng rotational water interruption ang Manila Water at Maynilad Water sa mga wa-ter consumers nito dulot ng patuloy na pagbaba ng water level sa mga dam.
Nangangailangan ng mga ulan sa may watershed ng mga dam para tumaas muli ang water level sa mga dam.
Comments are closed.