CAMP CRAME – MAGING ang Philippine National Police (PNP) ay apektado na rin ng kakapusan ng tubig kaya naman ipinag-utos ni PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde ang pagtitipid nito sa lahat ng kampo at tanggapan ng pulisya.
Sinabi ni PNP Spokesman, Col. Bernard Banac na ang kautusan ng PNP Chief ay para makatulong na maiwasan ang posibleng krisis sa tubig sa Luzon sa pagsapit ng tag-init.
Inatasan ang mga Headquarters Support Unit sa mga kampo at tanggapan ng PNP nai-monitor ang mapag-aksaya o hindi esen-siyal na paggamit ng tubig.
Kasabay nito, inatasan din ni Albayalde ang mga PNP unit sa mga lugar kung saan nirarasyon ang tubig na tulungan ang mga brgy official sa crowd control.
Bilin pa ni Albayalde, na pangalagaan ng mga pulis ang kaligtasan ng mga personnel na namamahagi ng tubig sa mga water distribution points kung sakaling may mga manggulo.
Ayon pa kay Banac, babantayan din ng mga pulis ang posibleng pagnanakaw ng tubig mula sa mga fire hydrants at mga linya ng tubig. EUNICE C.
Comments are closed.