BULACAN-ARESTADO na ng pulisya ang suspek sa umano’y panghahalay at pumatay batang babae at isa pang batang lalaki sa San Jose del Monte City.
Matapos ang manhunt operation at maglabas ng P100,000 pabuya ng local government unit, agad nadakip ang umano’y salarin ng dalawang paslit sa Brgy. Graceville.
Personal na iniharap kay PNP Chief Gen.Guillermo Eleazar ang suspek na si Romeo Ruzon, 41-anyos ng Brgy. Gumaoc East habang hindi pinangalan ang isa pang suspek na stepson nito na menor.
Una nang natagpuan ang dalawang biktima na sina Jenny De Vera, 11-anyos at Lou Anderson Icalla, 8-anyos na walang buhay.
Ayon sa report ng mga awtoridad, may mga sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na pinaniniwalaan din na ginahasa si Jenny dahil wala na itong saplot pang-ibaba at pang-itaas at iniwang nakatihaya.
Samantala, inamin ng suspek na siya nga ang pumatay sa mga paslit kung saan ginamit nito dahilan ang pagsira umano ng dalawa sa mga tanim nitong kamatis sa nabanggit na lugar.
Kaugnay nito isasailalim naman sa drug test ang nadakip na suspek maging ang stepson nito na 17-anyos. THONY ARCENAL
902875 816575This website is really a walk-through it really is the details you wanted concerning this and didnt know who to inquire about. Glimpse here, and youll totally discover it. 758919