MAGUINDANAO HINATI NA SA 2

NADAGDAGAN pa ang probinsiya sa bansa.

Ito ay makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na maghahati sa Maguindanao, na bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nilagdaan ng Punong Ehekutibo ang Republic Act No. (RA) 11550, noong Mayo 27 na nagtatakda na hatiin sa dalawa ang probinsiya ng Maguindanao.

Tatawagin ang mga ito na Maguindanao del Norte (MDN) at Maguindanao del Sur (MDS) na ituturing na independent provinces.

Ang MDN ay sasakop sa mga munisipalidad ng Barira, Buldon, Datu Blah Sinsuat, Datu Odin Sinsuat, Kabuntalan, Matanog, Northern Kabuntalan, Parang, North Upi, Sultan Kudarat, Sultan Mastura, at Talitay habang ang magiging kapitolyo ay ang Datu Odin Sinsuat.

Sakop naman ng MDS ang mga munisipalidad ng Ampatuan, Buluan, Datu Abdulla Sangki, Datu Anggal Midtimbang, Datu Hoffer Ampatuan, Datu Montawal, Datu Paglas, Datu Piang, Datu Salibo, Datu Saudi Ampatuan, Datu Unsay, Gen. Salipada K. Pendatun, Guindulungan, Mamasapano, Mangudadatu, Pagalungan, Paglat, Pandag, Rajah Buayan, Sharif Aguak, Sharif Saydona Mustafa, Sultan sa Barongis, Talayan, and South Upi at ang kapitolyo ay Buluan.

Ang dalawang probinsiya ay binigyan ng corporate powers at general powers kasama ang common seal upang makalikha ng income gaya ng levy taxes, fees, at iba pang pamumuhunan at pagkakakitaan. EVELYN QUIROZ

4 thoughts on “MAGUINDANAO HINATI NA SA 2”

Comments are closed.