MAGUINDANAO MAYOR ITINUMBA SA MAYNILA

pamamaril

TINAMBANGAN ang alkalde ng Talitay, Maguindanao ng hindi pa nakilalang lalaki sa isang hotel sa Malate, Manila.

Dead on the spot ang biktima na si Abdul Wahab Sabal, 45, Sultan Sumangka (Talitay), Maguin­danao.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), naganap ang pamamaril sa harap ng Manra Hotel na matatagpuan sa kahabaan ng Quirino Avenue corner Leveriza St., dakong alas-10:02 ng gabi.

Nauna rito, kababa lamang umano ng kanilang sasakyan na To­yota Fortuner gray (MFN 566) ang biktima kasama ng kanyang asawa na si Mohana Sabal at kanyang body guard na si  PCpl Alwal Guimad, 41, police officer, na itinalaga kasama ang Talitay MPS.

Nabatid na habang ibinababa umano ang kanilang gamit sa sasakyan upang mag-check-in sa naturang hotel, bigla na lamang may tatlong putok ng baril na umalingaw­ngaw at dito nadiskubre si Mayor Sabal na may tama ng  bala sa katawan na nakadapa sa entrance ng naturang hotel.

Sa kuha ng CCTV camera ng nasabing hotel, isang lalaki ang nahagip sa  kabilang kalsada ng nasabing kalye lulan ng hindi pa batid na sasak­yan.

Narekober sa insidente ang isang nayuping basyo ng 5.56 mm ammunition. PAUL ROLDAN

2 thoughts on “MAGUINDANAO MAYOR ITINUMBA SA MAYNILA”

  1. 36344 397454Right after study numerous the websites on your own internet website now, i truly like your indicates of blogging. I bookmarked it to my bookmark internet site list and will also be checking back soon. Pls consider my web-site likewise and tell me what you consider. 933112

  2. 595756 936421Admiring the time and effort you put into your web site and in depth information you offer. Its excellent to come across a blog every once in a while that isnt the same out of date rehashed material. Fantastic read! Ive saved your website and Im including your RSS feeds to my Google account. 791109

Comments are closed.