MAHABANG bakasyon ang naghihintay sa mga empleyado ng mga hukuman sa bansa.
Ito’y matapos na ianunsiyo ng Korte Suprema na suspendido na rin ang pasok sa lahat ng korte sa buong bansa sa Disyembre 26 at Enero 2, na kapwa natapat sa mga araw ng Miyerkoles.
Sa inisyung paabiso ng Public Information Office (PIO) ng Supreme Court, nabatid na layunin ng suspensiyon ng pasok sa mga naturang araw, na mabigyan ng mas mahabang panahon ang mga empleyado ng sangay ng Hudikatura na maipagdiwang nang mas matagal ang holiday season kasama ang kanilang pamilya.
Ang mga petsang Disyembre 24 at Disyembre 25, gayundin ang Disyembre 31 at Enero 1, ay kapwa idineklara na holiday ng pamahalaan.
Una nang sinuspinde ng Malakanyang ang pasok sa gobyerno at mga public school sa Enero 2. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.