MAHAGUYOG FESTIVAL PARA KAY SANTO TOMAS

ISANG linggong pagdiriwang ang Ma­haguyog Festival na tinatampukan ng parada sa kalsada, pageantry, at napakaraming pagsasaya. Isa itong taunang pagdiriwang na sinisimulan sa birthday ko (February 27) at natatapos naman sa birthday ng Kuya ko (March 7) kaya hinding hindi ko makakalimutan – bago ang fiesta ng St. Thomas of Aquinas, ang patron ng bayan. Isa itong paraan ng pasasalamat ng mga magsasaka sa masaganang ani sa buong taon. KAYE NEBRE MARTIN