MAHALAGA ANG KONTRIBUSYON NG BAWAT ISA SA PHILHEALTH

ALAGANG PHILHEALTH

Dahil sa Universal Health Care na, ang lahat ng mamamayang Filipino ay awtomatikong sakop na ng programang PhilHealth, at ginagarantiya ang agarang ­paggamit ng benepisyo sa panahon ng karamdaman at pagpapaospital. May dalawang kategorya ng miyembro ang PhilHealth ngayon sa ilalim ng UHC – ang Direct contributor at Indirect contributor.

Ang mga kasapi sa Direct contributor ay ang mga miyembro na mayroong kakayanang magbayad ng kontribusyon tulad ng mga empleyado (na mayroong employer-employee relationship), mga self-earning individuals, mga professional practitioners, migrant workers kasama ang kanilang mga qualified dependents at mga Lifetime Members, bagamat hindi na sila nagbabayad ng kontribusyon.

Samantala, ang mga wala namang kakayahang magbayad ng kontribusyon tulad ng mahihirap na nasa listahan ng DSWD, 4Ps beneficiaries, senior citizens, Persons with Disabilities (PWDs), at mga nasa edad 21 pataas na walang kakayanang magbayad ay kasapi naman sa Indirect Contributors kung saan sinasagot ng gobyerno ang kanilang kontribusyon.

Mahalaga ang pagbabayad natin ng kontribusyon sa PhilHealth. Ito ay upang mapanatili nating matatag ang programa at patuloy na matustusan ang pangangailangang medikal ng bawat miyembro. Ang pinagsama-sama nating kontribusyon, maliit man o malaki, ang siyang tumutustos sa pangangailangan ng mga kababayan nating nagpapagamot at nangangailangan ng ayuda sa kanilang pagpapaospital sa ngayon. Bayanihan tayo dito.

Ito rin ang tinitiyak ng batas, na mapakinabangan pa ang programa ng mga susunod na hene­rasyon. Kung ikaw ay nagbabayad ng kontribusyon sa ngayon, darating din ang panahon na hindi mo na kailangang magbayad ngunit habambuhay ka nang miyembro at makagagamit ng benepisyo mula sa PhilHealth sa panahon ng pagpapaospital. Ito ang isa sa kagandahan ng ating programa, mayroon kang habambuhay na pakinabang.

Alam n’yo ba na maaari na kayong magbayad ng kontribusyon nang hindi na kaila­ngan pang pumunta sa mga tanggapan ng PhilHealth, o sa mga bangko at payment centers? Kung ikaw ay self-earning individual o boluntaryong naghuhulog ng kontribusyon, maaari na kayong magbayad gamit ang inyong G-Cash o credit card. Bisitahin lamang ang website ng PhilHealth (www.philhealth.gov.ph) at magpunta sa PhilHealth Member Portal na nasa online services. Ihanda lamang ang inyongPhilHealth Identification Number o PIN para sa proseso ng paggawa ng inyong account. Matapos makagawa ng account, maaari mo nang ma-access ang iyong record at makapagbayad gamit ang nasabing Portal. Maaari rin ninyong ma-check ang inyong kontribusyon, at mag-download at mag-print ng inyong member data record o MDR.

Kaya maging responsableng miyembro. Ugaliing po natin na magbayad ng ating kontribusyon dahil bawat kontribusyong ibinabayad mo ay ambag mo para sa kalusugan ng bawat pamilyang Filipino.

Kung may tanong tungkol sa PhilHealth, magpadala ng text message sa 0921-6300-009 upang makatanggap ng callback mula sa aming Action Center. I-email ang inyong suhestiyon at kumento sa actioncenter@philhealth.gov.ph.  Sundan din ang aming posts sa aming official Facebook page na “@philhealth.gov.ph” at sa official Twitter account na @teamphilhealth.

BENEPISYO MO, ALAMIN MO!

Mayroong Z-MORPH o Mobility, Orthosis, Rehabilitation, Prosthesis Help ang PhilHealth para sa paglalagay ng external lower limb prosthesis sa ibaba ng tuhod na nagkakahalaga ng P15,000 hanggang P30,000