IPINAHAYAG ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr.ang kanyang pagsuporta sa mga kababaihan sa sektor ng agrikultura sa ikatlong buwan ng pagdiriwang ng “National Women’s Month” at pagpuri sa mga Filipina sa kanilang katatagan at pagiging mapagkalinga na malaking naiaambag sa food security ng bansa sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng naturang industriya.
“Sa Bagong Pilipinas, we recognize the pivotal role of women agripreneurs in our collective vision for a prosperous and equitable society. By empowering them with resources and support, we unleash their full potential, fostering innovation and growth,” sabi ni Tiu-Laurel.
“The role of women in agriculture should not be underestimated. Sa panahon ngayon, wala nang trabahong hindi kayang gawin ng mga kababaihan. Women play important roles in both cash crops and subsistence production, in small livestock raising, and in some aspects of fisheries,” ang paliwanag ni Assistant Secretary for Consumer and Legislative Affairs Genevieve Velicaria-Guevarra, na Vice Chairperson din ng DA-GAD Focal Point System.
Sa ikatlong linggo ng pagdiriwang ng Naional Women’s Month binigyang pugay ng DA sa kanilang mga aktibidad ang kahalagahan ng mga kababaihan sa larangan ng agrikultura lalo na sa livestock, poultry, at fisheries subsectors.
Ayon ka Guevarra, ang DA-Gender and Development (GAD) Focal Point System na pinangungunahan ni Undersecretary for Attached Agencies and Corporations Agnes Catherine Miranda ay may exhibit sa DA Central Office, Quezon City nagsimula ng Marso 18.
Ipinakita dito ang mga kababaihang nagtagumpay bilang fisherfolk at animal raisers mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Tampok sa naturang pagdiriwang ang bazaar na nagpapakita ng mga produkto sa livestock, poultry, at fisheries products ng ilang piling micro, small, at medium enterprises at iba pang agribusinesses na pinangungunahan ng mga kababaihan.
“The existing laws and regulations such as the Gender Equality and Women Empowerment Plan, Philippine Plan for Gender-Responsive Development, Women in Development and Nation Building Act, and the Magna Carta of Women “have made significant strides in forwarding women’s rights and emancipating women in agriculture,” dagdag pa ni Guevarra.
Kabilang pa sa ilang aktibidad for sa NWMC ay ang mga serye ng technology demonstrations upang maturuan ang mga kababaihang ibig sumubok sa larangan ng agrikultura,symposium sa agripreneurship kabilang ang webinar sa kalusagan tungkol sa cancer at iba pa.Ma. Luisa Macabuhay-Garcia