MAHALIN ANG KALIKASAN

ABNORMAL na nga ang panahon lalo na ang klima.

Mistulang new normal na ang tinatahak ng sangkatauhan sa usapin ng pagbabago ng klima.

Ito ang matinding init o temperatura at sumisirit na heat index o damang init.

Sa kabilang banda, may panahon na tag-init pero umuulan at naitatala ang pagbaha.

May mga pagkakataon naman na tag-ulan, matindi naman ang sikat ng araw.

Ang pagkasira sa kalikasan, batay sa mga pag-aaral ay dahil na rin sa mga aktibidad ng sangkatauhan.

Pinaka-klasikong halimbawa nito ang araw-araw na karagdagang greenhouse gas emission na nagmumula sa usok ng pabrika, pagsusunog at maging usok sa tambutso ng mga sasakyan.

Matindi rin ang epekto ng methane gases na mula sa sa dighay at utot ng mga baka, manukan at iba pang farm animals.

Kaya hindi man sinasadya, ang pagbabago sa klima ay sanhi ng mga aktibidad ng sangkatauhan.

Parang katawan ng tao, kung ano ang kinain, iyon ang pangunahing sanhi ng pagkain.

May ginagawa naman ang bawat bansa upang ibsan ang epekto ng climate change.

Halimbawa rito ang mga kasunduan ng mga bansa para labanan ang global warming na epekto ng climate change.

Sa Pilipinas, bukas ay aarangkada ang Earth Day Every Day Project” ng Department of Energy and Natural Resources na naglalayong o pakilusin ang mga kabataan sa pagsugpo sa plastic pollution at palakasin ang paglaban sa paggamit ng plastic.

Ipapamulat din sa mga kabataan ang kahalagahan ng pag-recycle ng mga plastik at pagyamanin ang kultura ng mga responsibilidad sa kapaligiran na naaayon sa mga halaga ng scouting.

Ang mga ganitong aktibidad ay inaasahang maibsan ang global warming.