MAHALIN, PAPURIHAN AT BATIIN ANG ATING MGA INA- ISKO 

Isko Moreno

MAYNILA-WALANG ibang kahilingin si Manila Mayor Isko Moreno sa pagdiriwang ng Mother’s Day ngayong Linggo, Mayo 10,  sa lahat ng mga residente ng lungsod kundi ang ikarangal at batiin ang kani-kanilang mga ina.

“Kung wala ang ating mga ina, wala tayong lahat dito kaya marapat lamang na sila ay ating mahalin, papurihan at batiin man lamang sa Mother’s Day,” ayon sa alkalde.

Dinagdag pa  ito na: “Ito ang ating munting kaparaanan upang sila ay mapasaya kahit paano, dahil hindi naman natin sila pupuwedeng i-blowout sa labas o ipasyal sa ngayon. ”

Sa kanyang personal na mensahe sa lahat ng mga nanay o ina sa Maynila ay sinabi ni Moreno na:“Sa lahat ng mga ina, hap-py mother’s day at nawa ay patuloy kayong protektahan ng ating Panginoon, lalo na laban sa COVID-19.”                                    VERLIN RUIZ