HANDA na ang Maharlika Investment Fund bill para sa lagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri.
“By this week, it will be transmitted to the Palace,” ani Zubiri.
Nauna rito, inihayag din ni Speaker Martin Romualdez ng Leyte na nilagdaan niya ang Congress-ratified version ng Maharlika Investment Fund bill kasama si House Secretary General Reginald Velasco.
“This [Maharlika bill] was transmitted to the Senate yesterday,” ayon kay Romualdez.
Nauna namang sinabi ni Marcos na agad niyang pipirmahan ang nasabing panukalang batas kung makarating na ito sa kanya.
LIZA SORIANO