Riyadh, KSA- WELCOME sa Saudi business leades ang Maharlika Investment Fund (MIF) na idiniga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa rountable meeting pagdating sa Saudi Arabia noong Oktubre 19.
Makaraan ang kanyang talumpati sa pakikipagpulong sa mga business leader, agad nagpahayag ng pagnanais si Saudi Ministry of Investment Minister Khalid Al-Falih gayundin ang iba pang investors na alamin ang finances ng Pilipinas na isa ASEAN’s most exciting markets.
Sinabi rin ni Al-Falih kay Pangulong Marcos at sa delegasyon nito na ang business communities ay interesado sa MIF.
“We want to connect you to key Saudi investors with impressive success stories to share and with the desire to continue building with international presence by investing with partners across the globe, the Philippines being a key one,” ayon kay Al-Falih.
Pinuri rin ni Al-Falih ang Pilipinas sa pagsisikap na maging cashless society sa pagsapit ng 2030 at hangad na maging bahagi ng bansa para maging “highly successful banking sector.”
Habang nasa roundtable discussion, nagpahayag din ng interes sa MIF si Mulhan Albakree, Executive General Manager ng Public Investment Fund ng KSA.
Maging ang pinakamalaking investment companies gaya ng Jada ay interesado sa MIF, ayon sa CEO nito na si Bandar Al Hamali.
Hinimok naman ni Pangulong Marcos ang mga Arab businessmen na samantalahin ang oportunidad at mamuhunan sa MIF.
“At the forefront of these opportunities is the recently launched Maharlika Investment Fund, the Philippines’ first-ever sovereign investment fund designed to drive long-term economic development through increased investments in high-impact sectors,” giit ng Pangulong Marcos.
EVELYN QUIROZ