MAHIGIT 1 MILYON DOSES NG SINOVAC AT SINOPHARM VACCINES DUMATING SA NAIA

DUMATING sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon ang panibagong biniling 1,260,800 doses ng China-made vaccines, lulan ng Philippine Airlines (PAL) flight PR361 mula sa Beijing, China.

Ang 1 million doses ng Sinovac vaccines at ang 260,800 doses ng Sinopharm vaccines ay donasyon ng China sa Pilipinas.

Sa latest arrival ng China made vaccines, umaabot sa kabuuang 26.5 milyon doses ng Sinovac vaccines ang dumating sa Pilipinas, at ang 24.6 milyon doses ay ang kabuuan ng nabili ng bansa sa China.

Batay sa report ng Department of Health (DOH) at ng Bureau of Customs (BOC), nasa 48,522,890 milyon doses ang kabuuan bilang ng vaccines ang dumating NAIA mula pa noong nakaraang taon. FROILAN MORALLOS

4 thoughts on “MAHIGIT 1 MILYON DOSES NG SINOVAC AT SINOPHARM VACCINES DUMATING SA NAIA”

Comments are closed.