CAVITE — MAHIGIT 100 bahay ang natupok nang sumiklab ang sunog na nakaapekto sa ilang barangay mula sa isang residential area sa Cavite city kahapon ng hapon.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cavite provincial office, umabot sa ika-5 alarma ang sunog na nagsimula sa Palace sa Barangay 24.
Napag-alaman na nag-brownout sa nasabing lugar ng 30 minutos at nang bumalik ang kuryente ay biglang nagkaroon ng pagsiklab sa mga kabahayan sa naturang Barangay.
At dahil sa karamihan sa mga bahay ay gawa sa light materials kaya mabilis kumalat ang apoy at pinalala pa ng malakas na hangin kaya’t kumalat ito sa ilang karatig-barangay na na halos dalawang oras na tumagal.
Nadamay sa sunog ang Barangay 25, 26 at 27 kaya’t mahigit 100 bahay ang tinupok ng apoy.
Bandang alas-4:30 ng hapon nang idineklarang kontrolado ang sunog.
Pansamantalang mananatili sa Ladislao Diwa Elem School sa Barangay 20 ang mga nasunugan.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung kandila o spark ng kable ng kuryente ang naging sanhi ng sunog.
Kasabay nito, naghahanda na ang local government unit na magdeklara ng state of calamity para maglabas ng pondo para sa tulong pinansyal para sa mga residenteng nawalan ng tirahan.