BULACAN – Umapaw ang ilog sa bayan ng Sta. Maria at ilang mga residente ang agad inilakas sa mga evacuation center matapos magka-flash flood, alas 4 :00 ng madaling araw kahapon.
Ayon sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), ganap na alas-2:00 ng madaling araw nang walang humpay na bumuhos ang ulan kung saan umabot sa hanggang beywang ang taas ng baha.
Unang naapektuhan ang Brgy. Tumana kung saan 31 pamilya ang inilikas at 86 na pamilya mula sa Brgy. Bagbaguin ang dinala rin sa evacuation center.
Nabatid na nagtulong-tulong ang mga rescuer ng Sta. Maria, Bulacan rescue at 48th Infantry Battalion at iba pang NGOs sa paglilikas ng mga apektadong residente
Nasa 584 katao ang nananatili pa sa mga evacuation center.
Habang biglaan din ang paglubog sa baha ng Brgy. Poblacion at Brgy. Batia sa bayan ng Bocaue. THONY ARCENAL
Comments are closed.