MAHIGIT 20 LUGAR NASA SIGNAL NUMBER 1 KAY ‘GENER’

Nakataas ang tropical storm cyclone wind signal number 1 sa mahigit 20 lugar sa Luzon kabilang ang ilang bahagi ng Metro Manila araw ng Martes, Setyembre 17, matapos mag-land fall ang bagyong Gener sa Palanan, Isabela.

Sa Dagupan, Pa­ngasinan, binabantayan ang epekto ng bagyo pero ilang kalsada doon ang binaha na dahil sa high tide.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pa­g­asa), deklaradong nasa ilalim ng tropical cyclone wind signal number 1 ang northern portion ng Metro Manila, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isa­bela, Quirino,Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur. La Union, Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Nor­thern and Central portions of Bataan, Aurora, Northern portion of Quezon kabilang ang Polillo Islands, Northern portion ng Rizal.

Bahagyang humina ang bagyong Gener makaraang dumaan ito sa bulubunduking lugar ng Cordillera. Sa kabila nyan, nananatili itong tropical depression at may taglay na lakas ng hangin na hanggang 45 kilometers per hour (kph), may bugso na 55 kph, at may bilis na 15 kph.

Umaga ng Miyer­koles, Setyembre 18, posibleng nasa labas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Patuloy namang lu­malapit sa PAR ang bagyong may international name na Pulasan. Huling namataan ito sa 1,890 kilometers east ng Central Luzon.May lakas itong 65 kph, bugso na 80 kps, at bilis na 15 kph.

Sa Miyerkoles ng gabi posibleng nasa loob na ng PAR ang Pulasan na bibigyan ng lokal na pangalan na Helen. Bagamat hindi ito inaasahan na magla-landfall sa bansa subalit palalakasin nito ang hanging habagat.

Asahan ang ulan sa malaking bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila base sa rainfall forecase ng Metro weather. Posible ang heavy to intense rain at torrential rains sa ibang lugar na maaaring magdulot ng baha o landslide.

Ma.Luisa Macabuhay-Garcia