(Mahigit 200 health workers gumaling na rin) 1,023 PASYENTE NAKAREKOBER SA COVID-19

DOH

MAYNILA- MAHIGIT 50 porsyento ng bilang ng mga nakarekober sa coronavirus disease (COVID-19) ang lamang sa numero ng mga iginupo sa naturang sakit.

Ayon sa ulat ng Department of Health (DOH), as of 4PM kahapon ay umakyat na sa 1,023 ang bilang ng mga nakakarekober mula sa virus  matapos na madagdagan pa ng 48 gumaling na pasyente.

Ang bilang naman ng COVID deaths ay nadagdagan rin ng 28 pa at umaabot na ngayon sa 558.

Umakyat naman  sa 8,212 ang bilang ng mga naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala pa ang ahensiya ng karagdagang 254 bagong mga kaso ng sakit.

Samantala, ibinalita rin ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na gumaling na rin mula sa naturang karamdaman ang 232 health workers. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.