MAHIGIT 21M SIM CARDS REHISTRADO NA

PUMALO na sa mahigit 21 milyong Subscriber Identity Module (SIM) cards ang nairehistro sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), 12.5% na ang bilang ng 168.9 milyong SIM cards na target irehistro sa bansa.

Nangunguna pa rin sa bilang ng naiparehistrong SIM card ang Smart Communications Inc. na may 10.3 milyon.

Sinundan ito ng Globe Telecom Inc. na may 8.9 milyon at DITO Telecommunity Corporation na may 1.7 milyong naiparehistrong SIM cards.

Noong Disyembre 27 ng nakaraang taon sinimulan ang programa alinsunod sa mandato ng Republic Act no. 11934 o ang SIM Registration Act.

DWIZ 882