NASA mahigit 300 foreign observers ang inimbitahan ng Commission on Elections (Comelec) para tumutok at magbantay sa araw mismo ng halalan sa Mayo 9, 2022.
Ito ang inanunsiyo ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, matapos pulungin sa Paranaque City ang mga international observer para sa briefing ng proseso ng eleksiyon sa bansa.
Sinabi ni Pangarungan na nasa 338 independent international monitor ang kanilang binigyan ng accreditation para sa interes ng transparency at honesty ng halalan.
Itinuro ng Comelec sa international observers ang proseso sa paggamit ng Vote Counting Machine, proseso sa pag-transmit ng data o bilang ng boto mula presinto hanggang sa national board of canvaser at paalala sa mga guidlines sa pagboto.
Sa kanyang talumpati, pinaalalahanan ni Pangarungan ang mga international observer na hindi sila pagbabawalang mag-monitor sa proseso ng eleksiyon bastat sa kondisyong maproteksyunan ang mga tauhan at pag-aari ng poll body gayundin ang iba pang mga impormasyon. Jeff Gallos