PUMALO sa kabuuang 83,942 ang bilang ng mga turista na bumisita sa Boracay Island sa Malay, aklan mula Enero 1 hanggang 15.
Sa datos na inilabas ng Malay Municipal Tourism Office noong Enero 16, karamihan sa mga bumisita sa Isla ay domestic tourists na umabot sa 63,753.
Nasa 14,812 naman ang bilang ng mga dayuhang turista habang 5,377 ang overseas Filipino workers (OFWs).
Ang mataas na bilang ay bunsod ng pagdagsa ng mga turista sa isla para sa pagdiriwang ng Bagong Taon nang ibalik ang fireworks show at ang Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan.
Noong 2022 ay umabot sa mahigit 1.75 milyong turista ang bumisita sa Boracay. DWIZ 882