NASA 87.2-porsiyento na ng mga balotang gagamitin sa May 9 national at local elections ang natapos nang maimprenta.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia, umaabot na sa kabuuang 58,838,453 mula sa target na 67,442,616 ballots ang na-imprenta na.
“The 58 million something represents 87.2% of the total number of ballots that we are supposed to print,” pahayag ni Garcia.
Sa 58 milyong balota, sinabi ni Garcia na nasa 39,433,714 ang pumasa sa highest quality control at verification.
Umaabot naman sa 105,853 ang depektibong mga balota o nasa 0.18% ng kabuuang official ballots.
Samantala, nabatid na nasa 61.7% ng mga vote counting machine ang nakahanda nang idispatsa sa mga lugar na pagdarausan ng halalan sa bansa. Jeff Gallos