UMABOT sa 41 kilo ng karneng baboy at iba pang kasama ang mga nanggaling sa Luzon ang nakumpiska ng grupo na pinangunahan ng Provincial Veterinary Office (PVO) sa Negros Occidental ngayong linggo.
Sinabi ni Dr. Ryan Janoya, pinuno ng PVO Animal Health and Meat Inspection Services Division, na ang mga dinalang pork supplies mula sa mga probinsiya mula sa Luzon sa Negros Occidental ay sakop pa ng 90-day ban sa probinsiya.
Dumating ang tinatayang 15 kilos ng pork sausages mula sa Pampanga ang dumating Bacolod-Silay Airport noong Huwebes. Ito ay dala ng isang residente ng Talisay City para sa kanilang sariling pagkain.
Sinabi ni Janoya na ipinabalik ito sa kanyang pinanggalingan.
Kinumpiska rin ng Task Force on African swine fever (ASF) ang 12 kilos ng sari-saring pork products sa airport.
Ang mga processed food items ay siomai at “sisig” na ibiniyahe mula sa Quezon City dala para sa isang food stall sa Bago City. Sinabi ni Janoya na ang mga item, ibiniyahe kasama ng ibang fish products, na konidserang hindi idineklara at agad inilabas sa airport.
“The shipment had no permits, specifically as pork products, and it also does not comply with the existing ban,” dagdag niya.
Noong Linggo, may total na 12.7 kilos ng mishandled meat products ang nakumpiska naman sa isang stall sa pamilihan sa Cadiz City.
Sinabi na nilabag ng vendor ang guidelines sa tamang pag-display ng imported meat products.
Ang mga frozen product ay malapit sa microorganisms at bacterial contamination lalo na sa mataas na temperature, dagdag pa niya.
Matagal nang ipinatutupad, at halos isang buwan na ng provincial government ang 90-araw na ban sa karneng baboy mula sa Luzon, base sa Executive Order 19-40 na pinirmahan ni Governor Eugenio Jose Lacson noong Septyembre 18.
Sakop ng ban ang buhay na baboy, pork products, at by-products mula sa Luzon ito man ay sariwa, proseso, o de lata na puwedeng magdala ng ASF virus.
Ang Negros Occidental, ang pangunahing backyard swine producer ng bansa at may PHP6-billion swine industry. PNA
Comments are closed.