MAHIGIT P1M SHABU AT ECSTASY NASABAT

BULACAN — ISANG  armadong tulak ng shabu at isang consignee ng ecstasy ang nahulihan ng mahigit sa P1 milyon halaga ng illegal na droga sa Lunsod ng Malolos at bayan ng Baliwag nitong nakaraang araw ng Lunes.

Kinilala ni Col. Manuel Lukban Jr., OIC Bulacan police director, ang armadong drug suspek na si Alejandro Paloma alyas Negro na nahuli sa isang buy-bust operation sa Barangay Caniogan sa Lunsod ng Malolos.

Narekober kay Paloma ang 131 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P890,890.00, 2.74 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P328.00; dalawang kalibre .45 na pistola, isang kalibre .38 na baril, mga bala, motorsiklo, cell phone, drug paraphernalia at buy-bust money.

Samantala, isang consignee para sa party drugs na ecstasy, na kinilala ng mga awtoridad na si Maria Isabel Lim ay naaresto sa isinagawang controlled delivery ng nasabing party drug sa Villa Katrina Subdivision sa bayan ng Baliuag nitong Lunes ng hapon.

Ayon sa opisyal ng Philippine Drug Eforcement Agency sa Gitnang Luson, ang nasabing party drugs ay nanggaling pa sa bansang the Netherlands at naka-consign kay Lim.

Narekober sa consignee ang dslawang plastic pouch na naglalamang ng humigit kumulang na 100 tableta ng hinihinalang party drug, blue clip board; driver’s license; parcel/letter post receipt; Samsung S20 smart phone; at Philippine passport. ANDY DE GUZMAN/THONY ARCENAL