CAGAYAN – HINAHANTING na ng mga kagawad ng pulisya sa bayan ng Enrile ang pagdakip sa holdaper na tumangay ng mahigit P90,000 sa isang negosyante na pauwi na sana sa Brgy. Roma.
Ayon kay P/Major Sgt. Jeoffrey Gumangan ng PNP-Enrile, alas-7:45 ng gabi lulan ng motorsiklo ang negosyanteng si Juanito Mirasol, 47, at ang driver na si Gilbert Eclar, 42, nang tambangan sila ng tatlong lalaki sa madilim na bahagi ng palayan malapit sa kanilang bahay sa Brgy. Roma.
Sa pangyayaring iyon ay pumalag umano ang driver na si Eclar, kaya binaril kung saan ay tinamaan siya sa paa.
Nakatakbo naman umano si Mirasol at humingi ng tulong sa mga barangay official subalit mabilis na nakatakas ang mga suspek dala ang inagaw na sling bag na naglalaman ng cash na pinagbentahan niya ng kanilang negosyong barbeque at iba pang pagkain. IRENE GONZALES
Comments are closed.