MAHIGIT SA 300 PASAHERO NAANTALA ANG FLIGHT

NAANTALA  ang 28 flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa Notice to Airmen (NOTAM) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na siyang naging sanhi sa pagka-delay ng 28 departing flights sa teminal 1.

Ayon kay CAAP spokesman Eric Apolonio, ang nasabing Notice to Airmen noong Sabado ng hapon ay may kaugnayan sa isinagawang replacement ng blowing/cooling fan para sa uninterruptible power supply (UPS) na ginagamit sa power ng kanilang Communication, Navigation, and the Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM).

Batay sa impormasyon, tumagal ng mahigit sa isang oras ang pagpalit sa cooling system ng CNS/ATM, at ang system ay naibalik ng 6:09 ng Linggo ng umaga.

Naapektuhan naman ang tinatayang aabot sa 3,500 domestics passengers at ang mga pasahero ng isang international flight sa Jakarta. Froilan Morallos