MARAHIL ay karamihan sa atin ay sinusubaybayan ang kasalukuyang halalan na nangyayari ngayon sa Estados Unidos. Mahigpit ang labanan sa pagitan ni re-electionist Donald Trump na Republican at si Joe Biden Jr. na Partido Democrat.
Kung titingnan natin ang pinakasariwang resulta ng botohan, bagama’t hindi pa tapos at opisyal ang bilangan, halos 50-50 ang bumoto sa magkabilang kandidato. Ayon sa datos, kung sino ang unang makakuha ng 270 electoral votes ay siyang mananalo sa kanilang presidential election. Habang isinusulat ang kolum na ito ay lamang si Biden na may 264 electoral vote laban kat Trump na may 214 electoral vote.
Baka ngayong araw o sa mga susunod na araw ay malalaman na natin kung sino ang susunod na Pangulo ng America. Ilang estado na lang ang hinihintay matapos ang bilangan na sinasabing ‘swing vote’ kung saan maaring magbago ng resulta ng eleksiyon. Ito ay ang mga estadong Georgia, North Carolina, Pennsylvania at Nevada. Ang Nevada ay may 6 electoral votes. Kaya kapag nakuha ni Biden ang Nevada, matatawag na nating tapos na ang boksing.
Subali’t alam ba ninyo na sa kasyasayan ng presidential election sa America, pang anim ang labanang Trump at Biden na masasabi natin na halos dikit ang resulta ng bilangan ng boto?
John F. Kennedy/Richard Nixon (1960)
Si John F. Kennedy (Democrat) laban kay Richard Nixon (Republican) ay nagkaroon ng matinding labanan para sa pagkapangulo. Ayon sa survey bago sumapit ang araw ng halalan, parehas silang nakakuha ng 47%. Kaya naman ang paglalabanan na lamang nila ay 6% ng mga botante. Nanalo si Kennedy laban kay Nixon ng mag 120,000 votes lamang sa kabuunang 68.8 million na bumoto. Nakakuha si Kennedy ng 303 electoral vote laban kay Nixon na nakakuha lamang ng 219.
James A. Garfield/Winfield Scott Hancock (1880)
Noong taong 1880 presidential election, nominado si Garfield bilang kandidato ng mga Republicans. Kalaban niya si Winfield Scott Hancock na isang bayani noong panahon ng Amercial Civil War. Panalo si Garfield laban kay Hancock na may lamang ng 7,368 votes. 214 electoral votes ang nakuha ni Garfield laban kay Hancock na nakakuha lamang ng 155.
George W. Bush/Al Gore (2000)
Heto marahil ay sariwa pa sa ating kaisipan. Noong 2000 presidential election, lumabas sa survey bago eleksiyon na walang malinaw kung sino ang lamang sa pagitan nina Bush at Gore. Noong binibilang na ang mga boto, nagkaroon ng katanungan sa posibleng ireguralidad sa bilangan ng boto sa Florida na isa sa may pinakamalaking electoral vote. Kinuwestyon ang resulta ng bilangan ni Gore at nagsampa ng kaso sa U.S. Supreme Court para sa recount ng boto. Hindi pumayag ang kanilang Korte Suprema at itinanghal na panalo si Bush na may 271 electoral votes laban kay Gore na nakakuha lamang ng 266. Mga halos 500,000 na boto ang lamang ni Bush.
Rutherford B. Hayes/Samuel J. Tilden (1876)
Magulo ang America sa mga panahon na ito. Bumabangon pa lang ang US mula sa kanilang civil war. Sa Hayes ang pambato ng mga Republicans at si Tilden naman ay ang manok ng mga Democrat. Marami rin mga ireguralidad din sa bilangan ng boto sa mga panahon na iyon at patayan tulad na nangyayari sa atin tuwing eleksiyon. Tulad din sa atin, ang labanan na ito ay maitututring na pinakamatagal na bilangan bago mahalal ang kanilang pangulo.Nagsimula ang halalan noong 1876 at nagkaroon ng desisyon noong ika-2 ng Marso 1877. Panalo si Tilden na may lamang ng 250,000 votes at nanalo lamang ng isang electoral vote.
John Quincy Adams/Andrew Jackson (1824)
Parehas na kilalang mga politiko ang dalawa noong mga panahon na ito. Mahigpit din ang resulta sa bilangan ng boto. Subali’t natalo si Adams kay Jackson na may lamang na 152,901 na boto laban kay Adams na nakakuha lamang ng 114,023
Comments are closed.