PAG-AARALAN ni House Committee on the Welfare of Children Chairman Yedda Marie Romualdez ang pag-amyenda sa Republic Act 10364 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.
Ang pag-amyenda sa batas ay kasunod ng tangkang pagtakas o child-smuggling ng isang Amerikana sa isang 6-day old na sanggol na isinilid sa kanyang bitbit na bagahe na agad namang nahuli sa NAIA.
Ayon kay Romualdez, nais niyang higpitan ang parusa na ipinapataw ng batas sa human-trafficking partikular sa child-smuggling.
Tatalakayin aniya nila kasama ng mga miyembro ng komite ang posibleng pag-amyenda sa batas at paghahain ng panukala para rito.
Sa ilalim ng kasalukuyang batas, mahaharap sa 15 taon na pagkakabilanggo at multa na hindi bababa sa P500,000 hanggang P1 million ang mapa-patunayang guilty sa attempted trafficking in persons.
Hiling ng lady solon na mas taasan pa rito ang parusa kapag bata na ang ini-smuggle upang matiyak na mas mabibigyang proteksiyon ng batas ang buhay at kinabukasan ng mga kabataan. CONDE BATAC
Comments are closed.