ISABELA-PARA sa kapakanan ng mga mamamayan ng lalawigan, isang pagpupulong ang isinagawa ng Mayor’s League Isabela, kung saan tinalakay ang mas mahigpit na pagpapatupad ng quarantine restriction.
Dahil sa patuloy ang paglobo ng mga dinadapuan ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela, inihayag ni Mayor Bernard Faustino La Madrid Dy ng Cauayan City na mayroong nakabinbin na kahilingan ang mga alkalde na pagpapatupad ng MGCQ at ECQ dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19..
Ayon sa alkalde, marami umanong dapat na ikonsidera ang mga lokal na pamahalaan sa nasabing kahilingan, lalo na ang mga residenteng maaapektuhan sa ipatutupad na mas mahigpit na panunutunan ng MGCQ at ECQ sa kanilang mga nasasakupang lugar Gayundin ang pagsasaayos sa pamamahagi ng ayuda sa mga ito.
Layunin ng Mayor’s League na mapababa ang kaso ng COVID-19 sa kani-kanilang mga lugar kung kayat nanindigan ang mga ito na ipatupad ang calibrated lockdowns sa mga apektadong lugar na nakakapagtala mataas na bilang ng COVID-19 cases.
At sa sandaling maipatupad na ang mas mahigpit na quarantine status ang pangunahing maapektuhan at ang mga residenteng naninirahan sa forest region, manggagawa at magsasaka bukod pa sa inaasahang epekto nito sa transportasyon partikular sa Cauayan City Airport. IRENE GONZALES
293740 507363Nice read, I just passed this onto a colleague who was performing just a little research on that. And he just bought me lunch since I located it for him smile So let me rephrase that: Thank you for lunch! 425923
918074 649445Wow, incredible blog layout! How long have you been blogging for? you make blogging appear easy. The overall appear of your site is fantastic, as properly as the content! xrumer 66783
92274 67253Thank you for your fantastic post! It has long been very insightful. I hope that youll continue sharing your wisdom with us. 929578