MAHIGPIT NA SEGURIDAD PARA SA IKA-121 ARAW NG KASARINLAN

Independence Day

CAMP CRAME – TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na selyado nila ang buong bansa laban sa masasamang loob ngayong ika-121 Araw ng Kalayaan.

Ayon sa PNP, handa sila sa pagbibigay ng mahigpit na seguridad para sa selebrasyon ngayong araw.

Sinabi ni  PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac iniutos na ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang pagde-deploy ng mga tauhan sa mga lugar kung saan inaasahan ang mga magsasagawa ng rally.

Ide-deploy ng PNP partikular ang kanilang Civil Disturbance Management Unit para mapanatiling payapa ang mga rally.

Bukod sa mga rally babantayan din ng PNP  ang iba pang aktibidad gaya ng gagawing mga concert na may kaugnayan sa araw ng kalayaan, job fair at sabay sabay na flag raising nationwide.

Hanggang ngayon wala namang natatanggap na anumang banta sa seguridad ang PNP.

Kaya ayon kay Banac hinihikayat niya ang publiko na makilahok sa independence day celebration.                          REA SARMIENTO

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *