SA TUWING may bago akong librong nababasa o may bagong awtor na naglabas ng kanyang obra, laging bumabalik sa aking isipan ang mensaheng nabasa ko sa aklat ni Agustin C. Fabian, ang isa sa paborito kong manunulat. Ayon sa kanya, mas mahalaga ang obra kaysa sa byline. Nakasulat ang mga katagang iyon sa nobela niyang ang pamagat ay “Timawa”.
Sabagay, may puntos din naman si A.C Fabian. Tunay nga namang mahalaga ang obra kaysa sa byline. Ngunit maaaring hindi lahat ay papanig o sasang-ayon sa sinabi nito.
Marahil sa panahon nila.
Noong 1920’s, nag-uumpisang kumalat ang estilo ng kritisismo kung saan ang obra ay kailangang maihiwalay sa may-akda. Isang rason nito ay kailangang makatayo sa kanyang sarili ang isang obra, labas sa buhay at galing ng isang manunulat o henyong may akda nito.
Ngunit hindi natin maipagkakaila na sa larangan ng sining, malaki ang kinalaman ng awtor sa obra nito. Kumbaga, malalaman natin ang lalim at ganda ng isang obra kung kilala natin at alam natin ang pinagdaanan ng bumuo nito.
Para sa akin, nakabase rin naman kasi ang galing ng isang obra sa galing ng isang awtor. Paano nga naman tatayo ng mag-isa ang isang obra kung ang pinakapuso nito ay nakakabit sa awtor. Kung ang hininga nito at ang hininga ng awtor ay iisa.
Sa panahon ngayon, hindi lamang obra o akda ang tinitingnan ng marami kundi maging ang nagsulat nito. Ibig lamang sabihin na malaki ang impluwensiya ng nagsulat sa mambabasa upang bilhin at basahin ang isang akda o obra.
Sa kabila ng masalimuot na mundo ng pagsusulat, hindi nga naman naglilipat ang araw, buwan o taon nang walang bagong librong inilalathala sa Filipinas o sa bawat bansa. Hindi madali ang proseso sa pagbuo ng libro—mula sa pag-iisip ng ideya, sa paglapat nito sa letra, sa pagrerebisa hanggang sa paghahanap ng maituturing nitong tahanan—ang publisher. Minsan nga, kahit tapos na ang akda, isa pa rin problema ng maraming awtor ay ang paghahanap ng publisher na tatanggap at magbibigay ng pagka-kataon sa naturang nobela, koleksiyon, sanaysay o tula.
Subalit sa kabila ng tila pagsuot sa butas ng karayom o ang pagtawid sa matitinik at umaapoy na alambre, pinipili pa rin ng maraming mahihilig sa aklat ang makabuo at nang may maibahagi sa bawat mambabasa.
Bukod sa makapaglabas ng katangi-tanging libro na ilang araw, linggo at buwang pinaghirapan at pinagpuyatan, kaligayahan pa-ra sa mga manunulat ang maihandog ito at maipabasa sa nakararami. Wala nga namang ibang tropeyong hinahangad ang isang ma-nunulat kundi ang basahin ang kanyang akda, ang magustuhan.
Sa panahong kayrami ng mga nangyayari sa ating lipunan, hindi pa rin nawawala ang pagsusulat ng mga akdang makapagbib-igay ng inspirasyon, pag-asa o kung ‘di man ay pagbabalik-tanaw sa mga nangyari sa nakaraan.
At dahil nga sa rami ng mga manunulat na nais makapag-ambag sa lipunan sa pamamagitan ng kanilang akda, dalawang libro ang inilunsad kamakailan sa Solidaridad Bookshop, Padre Faura Street, Ermita, Manila. Ang dalawang aklat ay inilathala ng Ateneo de Naga University Press sa pakikipagtulungan ng Philippine Center of International PEN (Poets & Playwrights, Essayists, Novel-ists) na pinamagatang The Last Sacristan Mayor and the Most Expensive Mass for the Dead, Tales from Ticao, koleksiyon ng sto-ries na isinulat ni Tito Genova Valiente at ang The Saga of the Fugitive Indio Priest, novella naman na ang may-akda ay si Elmer A. Ordonez.
Naglalaman ng walong fantastic tales ang koleksiyon ni Tito Genova Valiente na “The Last Sacristan Mayor and the Most Ex-pensive Mass for the Dead”. Umiikot ang mga kuwento sa isla ng Ticao kung saan ipinanganak ang awtor na si Valiente. Ilan sa mga karakter na matutunghayan sa nasabing aklat ay ang half-horse/halfman at si Lolo Doroy na isang sacristan mayor. Ang nasa-bing libro rin ay kinabibilangan ng kanyang essay tungkol sa ethnography at enchantment.
Ayon sa awtor na si Valiente na isang anthropologist at teacher, ang mga story na nakapaloob sa koleksiyon ay ang kanyang paraan ng “recounting and finishing” the magical stories na ikinuwento sa kanya ni Erlina na kanilang household help, habang nagkakaisip siya sa Ticao, Masbate.
Ang ikalawang aklat naman na inilunsad sa Solidaridad Bookshop ay ang bagong novella ni Elmer Ordoñez na pinamagatang “The Saga of the Fugitive Indio Priest” na recollection ng buhay ni Don Lino Alindogan, isang secular priest na iniwan ang priest-hood matapos akusahan ng pagnanakaw ng fund ng simbahan.
Naging tahanan na ng maraming manunulat gayundin ng mga akda nila ang Solidaridad Bookshop. Marami nang mga awtor ang nag-launch ng kanila-kanilang akda sa nasabing lugar, kabilang na nga ako sa nakapaglunsad sa nasabing bookshop na itinayo ni National Artist for Literature F. Sionil Jose.
At sa bagong inilunsad na akda nina Ordoñez at Valiente, paniguradong may bago o madaragdagan na naman ang kahihiligan ng mga indibiduwal na kinasasabikan ang makipagkaibigan at makipag-unahan sa mga letra at salita.