MAHIHIRAP BIGYAN NG DE-KALIDAD NA SERBISYONG MEDIKAL

Binigyang-diin ni Senador Christopher “Bong” Go ang kahalagahan ng mas maraming pamumuhunan sa healthcare system ng bansa habang personal niyang nasaksihan ang groundbreaking ng Pangantucan Super Health Center sa Bukidnon noong Biyernes, Marso 3.

Sa kanyang talumpati, si Go, na namumuno sa Senate Committee on Health and Demography, ay nagbigay ng pagkilala sa Kagawaran ng Kalusugan at mga kapwa mambabatas tulad ni Senate President Migz Zubiri na mula sa Bukidnon, sa pagsusumikap hindi lamang tungo sa pandemic recovery kundi pati na rin sa pagpapahusay ng bansa sa sistema ng pangangalagang pangkalusugan.

Kinilala rin niya ang mga lokal na opisyal, kabilang ang Bukidnon Governor Rogelio Roque, Pangantucan Mayor Miguel Silva Jr., Vice Mayor Manolito Garces, at Congresswoman Laarni Roque, bukod sa iba pa, sa pakikipagtulungan sa pagtiyak na ang kanilang mga nasasakupan ay makakatanggap ng abot-kaya at accessible na medikal.

“Napansin ko kasi sa kakaikot ko sa Pilipinas, napansin ko sa 4th class, sa 5th class, 6th class municipalities na walang sariling Super Health Center. Ang pasyente na mga buntis minsan bibiyahe ng ilang oras. Nanganganak na lang sa jeep, tricycle o sasakyan dahil sa sobrang layo ng mga ospital. Ngayon itong Super Health Center pwede na ang dental services,” paliwanag ni Go.

“At puwede na natin mapaigting ang ating pagpapabakuna hindi lang sa Covid, pati na sa tigdas at iba pang sakit… ‘yung iba ayaw magpabakuna dahil malalayo ng mga health center. Mapapaigting pa natin ang pagpapabakuna sa komunidad dahil sa Super Health Centers,” dagdag nito.

Nag-aalok ang Super Health Centers ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan tulad ng database management, out-patient, birthing, isolation, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray, ultrasound), pharmacy at ambulatory surgical unit. Ang iba pang magagamit na mga serbisyo ay serbisyo sa mata, tainga, ilong, at lalamunan (EENT), oncology center, physical therapy at rehabilitation center at telemedicine, kung saan isasagawa ang malayuang pagsusuri at paggamot sa mga pasyente.

Sa pagsisikap ni Go bilang Vice Chair ng Senate Committee on Finance at sa suporta ng kanyang mga kapwa mambabatas kapwa sa Mababang Kapulungan at sa Senado, sapat na pondo ang inilaan sa ilalim ng 2022 Health Facilities Enhancement Program para sa pagtatayo ng 307 Super Health Center.