MAHIHIRAP LOLOBO PA SA 20 MILYON

Mahihirap

POSIBLENG  tumaas  ng hanggang 20 milyon ang bilang ng mahihirap na pamilyang Filipino sa susunod na taon.

Inihayag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Joyce Niwani na  posibleng madagdagan ang nasa 16  milyong pamilyang sakop ng kanilang National Household Targeting System for Poverty Reduction dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa ilalim ng targeting system, nililista ang pinakamahihirap na pamilya na makatatanggap ng ayuda sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ibibigay ang cash assistance kapalit ng pagsunod sa human development goals tulad ng pagpapaaral sa mga anak, pagdalo sa family development sessions at iba pa.

Ayon naman kay  DSWD Secretary Rolando Bautista, natapos na nila ang kanilang assessment sa 14 milyon mula sa 16 milyong households na mapapabilang sa listahanan mula nitong Agosto.

Ang DSWD at attached agencies ay may P171.22 bilyon na panukalang pondo sa 2021 na mas mataas ng 4.5% sa 2020 budget. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.