MAHIHIRAP NA RESIDENTE NG CEBU, BINIGYAN NG AYUDA NI SEN. GO

NAGKASA ang grupo ni Senador Christopher “Bong” Go ng dalawang araw na relief effort sa libo-libong residente ng Poro at San Francisco, Cebu kamakailan.

Sa isang video message, umapela ang senador sa publiko na manatiling vigilante at patuloy na tumalima sa health protocols sa kabila ng pagbaba ng mga naiuulat na mga aktibong kaso ng  COVID-19 sa bansa.

Muli ring tiniyak ng senador na patuloy ang pagsusumikap ng pamahalaan upang masigurong mas ma­rami pang malalayong komunidad ang makakatanggap ng COVID-19 vaccines para maprotektahan sila laban sa virus.

Hiniling din ng senador sa lokal na pamahalaan ng Poro at San Francisco na pangunahing tulungan ang mga vulnerable sectors sa pag-avail ng bakuna sakaling maideliber na ang mga ito sa kanilang lugar.

Nagsagawa rin ang grupo ni Go ng relief activities sa Poro Municipal Gymnasium at West Poblacion Gymnasium sa San Francisco para sa kabuuang 3,313 indigents.

Hinati ng outreach team ang mga residente sa mas maliliit na batches kada araw at ipinatupad ang kinakaila­ngang safety protocols para bantayan ang kapakanan ng mga recipient.

Namahagi ang mga staff ng senador ng  masks at pagkain sa mga residente, gayundin ng bagong pares ng sapatos at computer tablets sa mga piling recipients.

Muling binigyang-diin ni Sen. Go ang kahalagahan ng kalusugan ng mga mamamayan at hinikayat ang mga ito na lumapit sa alinman sa anim na Malasakit Centers sa lalawigan ng Cebu sakaling kailanganin nila ng tulong medikal.