KINUMPIRMA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na maraming mahihirap ang pumasok sa drug trade sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Derrick Carreon, spokesman ng PDEA, may mga impormasyon sila na ginagamit na puhunan sa pagtutulak ng droga ang ayuda na natanggap ng ilang beneficiaries.
“Infact marami na nga, last figure natin, nasa mahigit 80 ‘yung nahuli natin na actually ay mga tumanggap ng ayuda at ginamit na capital o ginamit sa illegal drugs. That is one thing we need to look at dahil definitely poverty is one of the underlying reasons kung bakit napu-push ang ating mga kababayan na ma-involved dito sa illegal drug trade and other crimes infact,” ani PDEA — panayam mula sa Ratsada Balita. DWIZ882
Comments are closed.