MAHILIG KA SA COMPUTER? MAGING FREELANCE DEVELOPER

SA paggawa ng websites para sa maliliit na negosyo hanggang sa pagbibigay ng technical support sa iba’t ibang proyekto, napakataas ngayon ng demands sa quality web development. Sabi mo nga, mahilig ka sa computer – actually, lahat yata ng millennials, mahilig sa computers – kaya pwede kang maging web developer, dahil meron kang natural technical skill set. Ipakilala mo ang iyong galing sa mga custo­mer at maniwala ka, mas malaki pa ang kikitain mo habang nasa bahay ka kesa kung nagtatrabaho ka sa isang kumpanya.

Hindi naman mahirap humanap ng customers. May mga friend ka naman at kakilala, at kung magaling ka talaga, maniwala ka, irerekomenda ka nila sa mga kaibigan at kakilala ng mga naging kliyente mo.

Mula pa noong 1990s, lahat na yata ng bahay, nagsimula nang magkaroon ng internet. Lahat din halos, iniaasa sa internet. Seriously, ang matuto ng web development ay parang pag-inom ng tubig sa rumaragasang ilog ng pasalungat. Maraming dapat matutuhan, na ang kabataan lamang na lumaki dito ang nakakaunawa. Kung maswerte kang may basic knowledge ka sa mga bagay na ito, aba, pagkakataon mo nang magkanegosyo, na hindi ka pa aalis sa bahay mo, at wala ka pang boss. Pero bago ang lahat, dapat ay alam mo ang bare-bone-basics ng web development, ang proseso sa paggawa ng website, at iba pang resources para mas lumawak pa ang iyong kaalaman sa development — o sa pagiging developer.