HALOS sumampa sa 50 ang nasawi dahil sa paghagupit ng Bagyong Kristine.
Bukod pa ang malawak na pagbaha, pagguho, pag-apaw ng lahar sa Mt. Mayon habang nasa 21 lugar ang isinailalim sa state of calamity.
Hindi matatapos ang alalahanin sa paghinto ng ulan kundi ang after effect nito sa agrikultura.
Dahil sa malawak na pagbaha sa Bicol area, asahan ang malaki ring danyos nito sa pananim, impraestruktura at kabuhayan.
Maging sa Quezon at iba pang bahagi ng Eastern Samar ay mayroon ding hinagupit ng bagyo.
Sa pangyayaring ito, wala nang dapat sisihan gaya ng nakalipas.
Dahil sadya namang rainy season ngayon at dapat pinaghahandaan ng lahat.
Subalit kalikasan ang nagpasya na umulan.
Ang tanging magagawa lamang ay dapat pinaghahandaan ang mga ganitong sakuna.
Walang sinumang naghahangad na mapinsala at mamamatay kapag may kalamidad, marahil lagi na lamang itong maging aral at babala sa lahat upang hindi na maulit pa.
Mahirap talagang kalaban ang kalikasan.