MAID NA TUMANGAY NG P5-M ALAHAS SWAK SA SELDA

katulong

SURIGAO CITY – NADAKIP ng mga tauhan ng PNP Police Regional  Office-13 (PRO-13) ang isang kasambahay na nagkakaw ng P5 mil­yong halaga ng alahas sa kanyang amo.

Ayon kay Police Lt. Col. Christian Rafols, tagapagsalita ng PRO-13, nadakip ng kanilang mga tauhan ang maid na nagpakilalang si Grace Monles Moralde kasunod ng follow-up operation kaugnay sa reklamo ng dalawang senior citizen na tinangayan ng suspek ng milyon-mil­yong halaga ng alahas.

Ayon kay Rafols, modus operandi ng suspek na mag-apply ng trabaho bilang kasambahay  at oras na makuha ang tiwala ng mga amo ay nanakawan na umano ng suspek.

Nahuli si Moralde kamakalawa ng gabi kasama ang kanyang binatilyong boyfriend sa may Brgy. 2, bayan ng Tubay, Agusan del Norte na umano’y sinisimulan nang gawing pera ang kanyang mga nakulimbat.

Positibo sa inihaing reklamo ang suspek matapos na mabawi sa kanyang pag-iingat ang iba’t ibang papel de ahensiya ng mga isinanglang alahas bukod  pa sa mamahaling relo at di­yamanteng hikaw na suot nito. VERLIN RUIZ

Comments are closed.