HINDI sinang-ayunan ng Senado ang pagpapatupad sa bansa ng ‘mail- in votes’ na ginawa sa halalan sa Amerika.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, ito ang pinakamabilis na sistema para makapandaya sa botohan.
Ayon pa rito, maraming katanungan kung papaanong ipatutupad ang mail-in votes, gaya ng tanong kung saan ipadadala ang boto, sa post office ba? kailan ito bibilangin, at higit sa lahat sino ang magbibilang nito.
Pagdidiin pa ni Sotto, papaano kung may mag-leak na resulta ng botohan, dahil lahat aniya ng paraan para makapandaya ay puwedeng gawin.
Magugunitang sinabi ni Senadora Imee Marcos, chair ng Committee on Electoral Reform ng Senado na masalimuot ang pagbabago ng proseso ng eleksiyon, dahil posible itong mauwi sa kawalan ng tiwala ng publiko.
Comments are closed.