MAINAM NA PAMALIT SA WHITE RICE

PATATAS

LAHAT nga naman ng sobra ay nakasasama. Kaya nga’t kaila­ngang limitado o tama lang ang pagkonsumo natin ng mga pagkain at inu-min nang hindi mameligro o madelikado ang ating katawan, higit sa lahat, ang ating buhay.

Kung may isa mang hindi mawawala sa Pinoy, iyan ay ang hilig sa pagkain ng kanin. Marami nga naman sa atin ang hindi kaya o nakatatagal ng wa-lang kanin sa isang araw. May iba ngang kahit na kumain na ng spaghetti, naghahanap pa rin ng kanin. Ang ilan naman, iniuulam sa kanin ang pansit.

Isa nga naman ang kanin sa hindi mo puwedeng ipagbawal sa Pinoy. Pero maraming epekto o masamang naidudulot ang pagkonsumo ng sobra-sobrang kanin, lalo na ng white rice. Ilan sa masamang naidudulot nito ay ang sobrang timbang, high blood pressure, diabetes, heart disease at iba pang uri ng sakit.

At dahil nakasasama ang sobrang pagkain ng white rice, inirerekomenda ng National Nutrition Council (NNC), na isang tasa ng kanin kada kain lamang ang puwede o dapat kainin ng mga babae. Samantalang ang mga lalaki naman ay isa’t kalahating tasa.

Hindi rin naman puwedeng walang kanin dahil dito kumukuha ng enerhiya ang ating katawan.

Gayunpaman, may mga alternatibo o substitute sa kanin gaya ng mga sumusunod:

PATATAS

Isa ang patatas na mainam isahog sa mga lutuin. Ginagawa rin itong fries at wedges na hindi lamang kinahihiligan ng bagets, kundi ng kahit na sino sa atin.

At dahil ang sobrang pagkain ng white rice ay nakasasama, mai­nam itong pamalit dahil mataas ang taglay nitong potassium at iron. Isama lang ang balat ng patatas sa pagluluto. Ang taglay namang carbohydrates ng patatas ay mabuti sa katawan. Abot-kaya rin ito sa bulsa at madaling hanapin sa mga palengke, maging sa maliit o malaking pamilihan.

CAMOTE

KAMOTEIsa sa mahilig kainin sa meryenda ng mga Pinoy ang camote. Marami ring taglay na nutrients ang sweet potatoes. Mayroon itong fiber at potassium. Mas marami rin itong natural sugar kumpara sa regular na potato. Ang fiber content nito ay tumutulong upang maiwasan ang constipation.

BROWN RICE

Isa pa sa dapat na kahiligan o mainam na pamalit sa white rice ang brown rice. Mayaman sa fiber ang brown rice na tumutulong sa digestive system. May kamahalan nga lang ito ngunit mabuti naman sa katawan.

CORN O MAIS

MAISBukod sa camote, isa pa sa kinahihiligang kainin sa meryenda ng mga Pinoy ang mais. Marami ring mabibilhan nito. May mga nagbebenta nito sa gilid ng kal­ye sa halagang P20-P25 kada piraso.

Isa rin itong mainam na pamalit sa white rice. Mataas ang nutritional value nito. Mabuti rin ito sa may diabetes dahil sa mababa ang taglay nitong Glycemix Index.

Mataas din ang tag­lay nitong fiber. Ginagawa rin itong cereals at popcorn.

Lahat nga naman ng sobra ay nakasasama. Halimbawa na lang ang pagkain ng labis dahil nahihirapan ang ating katawan sa pagtunaw nito. Kaya naman, limitahan ang pagkain o huwag kumain ng labis ng buhay natin ay bumuti. Para na rin ma-enjoy natin ang pananatili natin ang pinaghirapan natin. CT SARIGUMBA

Comments are closed.