MAINE AT ARJO ENGAGED NA

ENGAGED na ang TV host na si  Maine Mendoza at actor-politician Arjo Atayde.

Inianunsiyo ito mismo ng dalawa ngayong Biyernes. Halos apat na taon nang magkarelasyon ang mga ito.

Ibinahagi ni Mendoza, 27, ang kanilang engagement sa  Instagram, at ipinakita pa nito ang engagement ring.

Marso 2019 nang unang isapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon.

Nagpaabot naman agad ng pagbati ang showbiz personalities habang deklarasyon ni Arjo: “My turn, I will marry you cutie.” SHOWBUZZ TEAM