SA pamamagitan ng isang video na lumabas sa social media ipinarating ni Maine Mendoza ang kanyang birthday message kay Coco Martin na nagdiwang ng kaarawan last November 1. Naging magkaibigan sila nang gawin ang Jak Em Popoy na official entry sa darating na Metro Manila Film Festival.
“Hello, Sir Jak! Charot! Coco, happy, happy birthday sa`yo. Sana mag-enjoy ka ngayong araw. Baka naman. Baka naman puwedeng may papiging. Birthday mo naman ngayon.
“Anyway, happy birthday sa`yo. Kung anuman ang wish mo this year sa birthday mo, sana ipagkaloob `yon ni Lord. Ano pa ba ang mahihiling mo?
“Sana mag-enjoy ka today. Libre ka naman. Ano ka ba? See you soon and God bless!” birthday message ni Meng kay Coco.
Samantala, dinedma na lang ni Maine ang naglabasan na may namamagitan na raw sa kanila ni Arjo Atayde.
Kung sasagutin pa raw niya ang isyung ibinabato sa kanila ni Arjo ay lalo lang daw hahaba at ‘di matitigil.
DINGDONG AT DENNIS PAPALIT KAY ALDEN
ANO kaya ang magiging reaction ng mga followers ng sumusubaybay ng fantaserye ni Alden Richards na Victor Magtanggol. Kumpirmado na raw kasi na magsisimula nang umere sa TV ang serye nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo na Cain at Abel sa Nobyembre 19. Kung walang magiging aberya ay magtatapos o kailangan tapusin ang Victor Magtanggol ni Alden ng Nobyembre16.
Kaya pala todo promote na ng cast ng Cain at Abel dahil malapit na silang umere sa TV. Makikita lagi sa mall ang pagpo-promote nila ng serye at hindi ka naman manghihinayang panoorin at abangan ang pagsasama ng dalawang drama king ng Kapuso na sina Dennis at Dong.
Sa teaser pa lang ay makikita mo na agad na ma-action ang Cain at Abel na mistulang isang pelikula ito na napanonood sa TV.
Bale, ang pinagsamang Dennis at Dingdong ang tatapat sa serye ni Coco Martin na Ang Probinsiyano.
‘Di tulad ng ibang cagersolj lokll,mlpk jnmmnjnjk[;fv,k’?n.,’
‘Di ikinahihiya
VICE GANDA MASAYA KAY CALVIN ABUEVA KAHIT ‘DI NIYA JOWA
SINANG-AYUNAN ni Vice Ganda ang naging pahayag ni Calvin Abueva sa isang interview na wala silang relasyon.
Ayon kay Vice, itinuturing niyang isa sa kanyang malalapit na kaibigan si Calvin. Pero aminado si Vice na isa si Abueva sa mga nagpapasaya sa kanya ngayon.
“Hindi ko jowa si Calvin (Abueva), but he makes me so happy,” say ni Vice sa panayam sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda.
Naglabasan kasi ang iba`t ibang comment na may relasyon daw ang dalawa matapos na makita si Vice na nanonood ng mga laro ni Calvin.
Makikita rin ang sweet moment ng dalawa sa ipinost ni Vice sa kanyang Instagram account.
Lubos na ikinasaya at na-appreciate ni Vice na hindi nahihiya si Calvin na makita silang magkasama.
“Sobra ko po siyang na-appreciate kasi sa dinamirami ng naging kaibigan kong players, basketball players, sa professional man, sa PBA o sa UAAP, iilan lang doon ‘yung proud na sabihin na malapit ako kay Vice,” say pa ni Vice.
“Iyong iba nga, hindi nila kayang i-post ang picture na gumimik kami. Magkakaibigan na nga lang kami. Na-o-offend ako kapag iniisip ko na, “Bakit hindi nila masabing kaibigan nila ako?” Si Calvin, he doesn’t care,” aniya.
Sa ngayon, gusto lamang ni Vice na i-enjoy kung anumang relasyong mayroon sila ni Calvin Abueva.
Comments are closed.