MAINE MENDOZA NA-BASH AGAD SA UNANG SALANG BILANG MYX CELEBRITY VJ         

NAGSIMULA nang mapanood si phenomenal star Maine Mendoza bilang MYX Celebrity VJ for the month of April, kaya may iba na namang showbiz eyenamba-bash sa kanya dahil sa mga sagot niya sa interview sa kanya.

Gusto lamang naming ipaalam sa netizens na matagal nang nai-tape ni Maine ang interviews sa kanya, bago pa nagkaroon ng Luzon community quarantine, kaya kung meron kayong ayaw na sagot ni Maine, sinabi lamang niya ang totoo.  Sa ngayon stay at home lamang si Maine, sa kanila sa Bulacan.

 

IZA CALZADO NAGPASALAMAT SA SECOND LIFE

SA Radyo Katipunan program ni Noel Ferrer, by zoom app last Sunday evening, special guest niya si Iza Calzado na nagpasalamat sa second life niya after fighting COVID-19, at si Ormoc Mayor Richard Gomez who will be celebrating his birthday today, April 7, at si Concert King Martin Nievera na nagpaiyak kay Iza dahil sa inawit nitong inspirational song na “He’ll Be There.”  Tamang-tama kasi ang lyrics ng song sa iniwang words ni Martin na, “we don’t know when this will end (the Covic-19 pandemic), but here’s what we hope for – that after this – we are a better, kinder and a stronger community of people.”

 

JOHN ARCILLA ‘DI MAKIKITA ANG LIBING NG AMA DAHIL SA LUZON QUARANTINE

IDINAAN na lamang ng actor na si John Arcilla sa Instagram post niya ang pagpanaw kanilang ama, si Dominador Alemania Arcilla sa Baler, JOHN ARCILLAQuezon.

Hindi naman ito dahil sa COVID-19, pero masakit sa kanya at sa kanilang pamilya na halos lahat ay nasa Manila, na hindi nila man lamang masisilayan ang ama nila sa huling sandali, dahil sa kasalukuyang Luzon community quarantine.

Hindi raw papayagan ang funeral services na madala sa kanila sa Manila ang labi ng ama dahil kahit makahingi sila ng travel permit, pagbalik ng staff nila sa Baler, kailangan silang i-quarantine for 14 days.  Kaya hiling na lamang ni John ay ipagdasal ang ama at ang kanilang pamilya at nagpasalamat sa lahat ng makababasa ng kanyang post.

 

DINGDONG AT MARIAN TUMUTULONG SA MGA JOBLESS KAHIT NA NAKA-QUARANTINE

KAHIT sa kanilang bahay lamang, tuloy ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pagbibigay ng serbisyo sa kani-kanilang DINGDONG-MARIANsocial media accounts.  Si Dingdong, nag-offer ng trabaho sa mga tao kahit naka-home quarantine sila.  The YesPinoy  Foundation supports the #SanaOL campaign of Jobstreet and Workabroad PH to provide livelihood opportunities to our kababayans amid the COVID-19 crisis.

May online jobs para sa freelancers, sa mga naghahanap ng alternative work, at sa K-12/High School graduates.  May home-based jobs din na ‘no experience needed’ at interview na pwedeng sa telepono lang!  I-type lang ang link na bit.ly/Sana OLJobs  or visit Jobstreet Philippines Facebook page.

At si Marian, nag-post sa kanyang Instagram ng bagong natutunan niya, ang baking.  Kung nag-bake siya ng hazelnut brownies katulong ang anak na si Zia, sumunod niyang ipinost ay binake niyang pandesal na caption niya, ‘try ko lang,’ #LutoNiYan. Pero mukhang masarap ang pandesal niya lalo na kung mahilig kang kumain ng tinapay.

Comments are closed.